Si Ploning na ang maysabi,
O minsa'y nagtanong,
"Hindi ba mas masarap isipin,
Na kaya ikaw ang mas nasasaktan
Dahil ikaw ang mas nagmamahal?"
Huwag kang matakot Mae,
Huwag mangamba,
Hayaan mong dumaan ang nakaraan.
Hayaang saktan ka ng karanasan.
Hayaang mga sugat ay humilom.
Hayaan mong ngumiti muli
Ang iyong isipan,
Iyong puso,
Iyong damdamin.
'Kaw ang mas nasaktan.
Dahil ikaw ang mas nagmahal.
(Ayon kay Ploning)
This is a birthday poem in lieu of a message I wrote for an office mate's birthday. Every time somebody celebrates a birthday, one of my office mates would collect messages and create a powerpoint presentation to be sent to the celebrant a day or so before his or her birthday.
May 17 - Happy birthday, Ruvy Mae.
No comments:
Post a Comment